Monday, June 23, 2008

Ang Babaeng Namumuhay Mag-isa

Babae akong namumuhay ng mag-isa
Hiwalay sa awasa
Matandang Dalaga
Kerida
Puta.

Ang aking pag-iisa'y
Batik na ituturing ng aking lipunan
Latay na pabaon ng nakaraan,
Pilat na taglay hanggang sa kasalukuyan.

May pagsusulit na hindi ko nakayanan,
May timbangang nagtakda ng aking pagkukulang,
May pagsusuring kumilatis
Sa pagkatanso ng aking pagkatao.
Lagi'y may panghuhusga sa aking pagiisa.

Ang di nila nakita'y
Akin din naman ang pagpapasya.
Isang maliit na kalayaang
Hinamak ng iba ko pang
Pagkakapiit, pagka-alipin
Sa aking lipunan.

Ang pag-iisa'y di pag talikod
Sa pag-ibig, pagnanasa, o pananagutan
Hindi ito pagsuko
Sa katuparan ng pangarap.
Hindi ito pagtanaw sa buhay ng hubad sa pag-asa.

Paghangad lamang
Na kamay ko ang magpatakbo sa aking orasan
Puso ko at isipan ang sumulat ng aking kasaysayan,
Sarili ko ang humubog sa aking kabuuan.

Hayaan akong mamuhay nang payapa,
Nang hindi ikinakabit sa aking pangalan
Ang mga tawag ng pagkutya:
Puta,
Kerida,
Matandang Dalaga,
Hiwalay sa asawa,
Babae man akong namumuhay nang mag-isa.



by Joi Barrios



i was awed the first time i read this poem. i remember thinking "whoah." i was on my 2nd year in college when i encountered this poem. i think is is the only tagalog poem i can say i really memorized. our Filipino literature prof made us recite this in front of the class one by one. first time i ever cursed aloud with a roomful of people and without getting reprimanded or threatened with a slap.

if you belong to any of the above, here's hoping you find some girl power from joi barrios feisty statement
(assuming you can read and understand tagalog).