Saturday, October 17, 2009

Love is so short. Forgetting is so long.

Bakit di niyo ko naiintindihan.

Hindi ako maglalamay sa puntod niya sa araw ng mga patay. Ginawa ko na yun noon at hindi ko nagustuhan ang aking pakiramdam. Hindi na siya babalik. Vampira lang ang nabubuhay na patay.

Wala na dun si mama. Nasa langit na ang kaluluwa nya. Magpapa-misa na lang ako. Magsisindi ng kandila. Hindi ko siya kinalimutan. Hindi ko siya kinalimutan kahit isang araw o isang saglit simula nang nawala siya. Hindi ko mapigil hanap-hanapin siya. Hindi ko mapigil na isipin siya bago ako matulog, kahit sa panaginip nasa diwa ko pa rin siya (nananaginip na nakaupo sa puntod niya, na nasa ospital, na nasa bahay), at sa pag gising ko sa umaga siya pa rin ang unang sumasagi sa aking isip.


Bakit di niyo ko maintindihan.

Bakit di niyo ako maintindihan na h
indi ko ipinagdiriwang na wala na si mama, kaya hindi ko ipinagdiriwang ang araw ng mga patay. Hindi ako natutuwa sa araw na ito. Hin-di a-ko na-tu-tu-wa.

Dahil hindi lang sa araw ng mga patay naaalala ko si mama. Hindi lang sa araw ng kamatayan niya naalala ko si mama. ARAW-ARAW. Naalala. Naiisip. Ginugunita. Hinahanap-hanap. ARAW-ARAW. ORAS-ORAS. MINU-MINUT
O simula nang nawala siya. SEGU-SEGUNDO. Dahil nakatali ang mga gunita ko sa kanya.

Alam ko na nasa mabuti na siyang kalagayan. Dapat matuwa ako. Dapat. Pero mahirap matuwa dahil wala na siya. Wala na siya.
Kaya di ako natutuwa dahil kelangan niya mawala para hindi na siya nasasaktan.

Oo. Matigas talaga ang ulo ko. Mas matigas ang puso ko. Kelangan kong mag matigas kung hindi guguho ako.
Guguho ako na parang mga pader na bumibigay sa lakas ng lindol.

May mga tao siguro na madaling nakakabangon. Madaling tumanggap ng pagkawala. Hindi ako. HINDI ako. Siguro nga sakim talaga ako. Sakim ako dahil gusto ko pa nang limampung taon pa na kasama siya. Nang marami pang panahon na tumawa, umiyak, kumain,at maglakbay na kasama siya. Pero kelangan ng langit ng anghel at siya ang una sa pila.

Sa araw na 'to mas gusto ko kasama ang mga buhay... na Malayo sa sementeryo. Lalayo ako.



"When we lose the one we love, our bitterest tears are called forth by the memory of hours when we loved not enough." - Maurice Maeterlinck