Monday, February 9, 2009

familiarity breeds contempt... and the road to hell is paved with well-intentioned golf balls


after an interrupted ym conversation with jade, i realized that may mga hassle nga naman ang New Testament. sana hindi ako tamaan ng kidlat dito pero...

dapat may mga moments na pwede namang i justify ang an "eye for an eye and an ipin for an ipin" no? pag binato ka ng hollow block, babatuhin mo ba ng tinapay?? i guess it depends on several factors (ceteris paribus, lalo na ang f
actor na di ka sana napuruhan dun sa binatong hollow block):

a.) malapit ka ba sa panaderia
b.) masarap ba yung tinapay? (sayang eh... a tasty tinapay is hard to come by lalo na paglibre)
c.) singtigas ba ng bato ang tinapay (if yes, kebs na, proceed with the throwing...)
d.) mabilis ka bang umilag at tumakbo (importante to, mahal ang mag pa ospital).

hindi ko alam kung bakit ganito ako mag isip. hindi naman ako pinalaki ng ganito ng
mama ko. hay... bakit ang hirap magpakabait sa panahon na'to.

tulad ng... bakit hindi ko makumbinsi ang sarili ko na magsimba. ang lagi kong binibigay na rason sa aking tita ay ang panget magsermon ng mga pari dito sa naga. hahaha! turuan ba magsermon ang pari. pero hindi ako matamaan. o kung matamaan man hindi ito sapat para ako ay tumakbo at magbalik sa simbahan. sabihin na natin na para pa rin akong naglalakad sa buwan.

hindi naman sa tinalikuran ko na at hindi ako naniniwala sa Dios, may lq lang kami.
disillusioned lang ako - parang magdalo. pero hindi naman ako mag aalsa o magku coup d'etat. i'm just thinking out loud.

on the upside, kung matatawag man itong as such, buti na rin lang siguro at ito ang kinalakihan ko na relihiyon. dahil kung ako ay napunta sa iba, baka matagal na akong itinumba. kahit papano nagpapasalamat pa rin ako at nagkaroon ng Vatican II.

hindi ko mawari kung kelan nagsimula... at kung sinong ahas ang nagbigay sakin ng mansanas na nagmulat sakin sa mga tunay na realidad.
the death of innocence heralds the birth of a cynic. siguro ganun talaga. hindi rin ganun kataas ang pagtingin ko sa mga pari (pulis at kung sinu sino pang nakaluklok diyan sa taas). para na rin kasing mga politico kung umasta. halos wala na akong makitang pagkakaiba.


habang tumatagal ako dito sa mundo, mas lumalawak ang pagkadismaya
ko.

bakit ang simpleng maniwala sa milagro nung bata pa ako? sana nanatili na lamang akong bata at hindi na lang ako lumaki, para hindi na nasira ang tiwala ko sa tao. lalo na sa mga taong akala ko ay kakampi ko. ang hirap makakuha ng kakampi dito sa mundo. kahit kapamilya mo pwedeng magbago. pano pa kaya ang ibang tao na hindi mo kaano ano? hindi ka pa nga nakatalikod ng todo, inuulan na ng saksak ang likod mo.

mahirap magpakabait... dahil ang daming nang aabuso. at bakit din halos lahat ng mababait ang mga unang kinukuha ni Lord no? unfair! kaya siguro di ko makuhang magpakabait. medyo
over the top ang incentive. ang dami tuloy nagliliparang masamang damo kasi high na lahat ng kabayo...

Eto pa, kaninang tanghali habang sinasabayan kong lumamon ang pinsan ko, naisip ko rin na...

It's easier to gain weight than gain money. Pero... it's easier to lose money than to lose weight! Takte namang buhay to.........



The darkest places in hell are reserved for those who maintain their neutrality in times of moral crisis. - Dante Alighieri
(lagot!)




No comments: